Maayos na naipaliwanag ni Darren na walang katotohanan ang isyung kasintahan na raw niya ang kasama niya sa music video sa latest niyang album. Kaibigan lang niya ang magandang babae na limang taon ang tanda sa kanya.
“Ate Seph ko po ‘yun. Kaya ate ang tawag ko sa kanya dahil matanda siya sa akin. At sa totoo lang, du’n sa shoot lang kami nagkita at nagkakilala,” napatawang paliwanag ni Darren.